Chulalongkorn full name
Sina Haring Mongkut at Haring Chulalongkorn at Ang Modernisasyon NG Thailand
Sina Haring Mongkut at Haring Chulalongkorn at Ang Modernisasyon NG Thailand
Pinamunuan nina Mongkut at Chulalongkorn ang pagbabagong domestiko at ugnayan sa ibang bansa upang mapanatili ang kalayaan ng Thailand mula sa pananakop ng mga dayuhan.
:
Available Formats
Pinamunuan nina Mongkut at Chulalongkorn ang pagbabagong domestiko at ugnayan sa ibang bansa upang mapanatili ang kalayaan ng Thailand mula sa pananakop ng mga dayuhan.
Original Title
Available Formats
Share this document
Share or Embed Document
Did you find this document useful?
Is this content inappropriate?
Pinamunuan nina Mongkut at Chulalongkorn ang pagbabagong domestiko at ugnayan sa ibang bansa upang mapanatili ang kalayaan ng Thailand mula sa pananakop ng mga dayuhan.
:
Available Formats
Pinamunuan nina Mongkut at Chulalongkorn ang pagbabagong domestiko at ugnayan sa ibang bansa upang mapanatili ang kalayaan ng Thailand mula sa pananakop ng mga dayuhan.
:
Available Formats
TomoXIIl
SINA HARING MONGKUT
AT HARING CHULALONGKORN
AT ANG MODERNISASYON NG THAILAND
Carmelita C.
Corpuz
Ang Thailand sa makabagong panahon ay kakaiba pagdating
sa pulitikal na kaganapan sa Timog Silangang Asya. Ito ay isang
maliit at malayang bansa noong ika na siglo nang ang halos lahat
ng mga lugar sa rehiyon ay sinakop na ng mga bansang Kanluranin.
Ang kalayaang ito ay hindi bunga ng lakas militar ng Thailand kundi
ng kasunduan ng dalawang magkatunggaling bansa-ang lnglatera
sa Burma at Malaya, at Pransya sa lndochina-upang panatilihin
ang maliit na kaharian ng Thailand bilang tagapagitang-estado sa
kanilang nasasakupan.
Bunga rin ito ng makabagong ideya at
katangi-tanging diplomasya na ginamit ng dalawang magigiting na
hari ng dinastiyang Chakri nang panahong iyon-sina Haring Mongkut
at Haring Chulalongkorn.
Ang dinastiyang Chakri ang naghaharing tahanan ng Kaharian
ng Thailand magmula noong Pinamunuan ni Rama lang
kaharian nang puna ng kasaganaan at pagkakaisa nang higit pa sa
dalawang siglo.
Namukadkad naman ang masining na kulturang Thai.
at nagkaroon ng higit na hugis sa ilalim ng pangangasiwa ni Haring
Rama II. Pinalawak ng nabanggit na hari ang kaharian nang higit pa
sa mga hangganan nito sa kasalukuyan. At sa pamumuno ni Haring
Mongkut () nabuksan ang pinto ng kaharian sa mga
kaisipang Kanluranin at ginampanan ang maselang tungkulin ng
pagtanggap sa mga kapangyarihang nagmula sa Kanluran.
Napunta
kina Mongkut at sa kanyang anak na lalaki na si Prinsipe
Chulalongkorn () ang papuri para sa pamumuno sa
alintuntunin para sa ibayong-dagat at mga pagbabagong domestiko
na hindi lamang nakasagip sa matandang Siam mula sa pananakop
ng mga taga-Kanluran na siyang lumipol sa mga kalapit na bansa ng
42 CARMELITA C.
CORPUZ
Siam kundi siya ring nagdulot ng mga pundasyon para sa isang
modemong lipunan.
Ang modemisasyon ng mga institusyong pulitikal, panlipunan,
at ekonomiko ay nagmula sa kalagitnaan ng ika na siglo
kaalinsunod ng inisyatibo ng dalawang nabanggit na monarko
Si Haring Mongkut ay siyang naluklok bilang hari ng Siam sa
taguring Rama IV mula noong hanggang Nakilala siya
bilang Prinsipe Chao Fa (0 crown prince).
Siya ang pinaka-
matandang nabubuhay na anak na lalaki ni Haring Rama II sa
kanyang unang kabiyak na reyna.
Sa kanyang pagkabata, si Haring
Mongkut ay nakapag-aral sa Grand Palace ng sining ng paggawa
ng elepanteng Thai, gayundin ng siyensyang pangmilitar. Sa loob
lamang ng maikling panahon, siya ay naging baguhan sa isang
Budistang monasteryo. Hindi lumaon, sa gulang na dalawampu,
bago pa naganap ang pagkamatay ng kanyang ama, muli siyang
bumalik sa nasabing institusyon.
Kinailangang manatili si Mongkut sa monasteryong Budista sa
loob ng sumunod na dalawampu't pitong taon.
Hindi niya nilisan
ang nabanggit na pook hanggang siya ay hiniling na maluklok sa
trono upang maging isang hari noong Bilang isang monghe,
malaya si Mongkut na sundin ang kanyang mga intelektwal at
relihiyosong kawilihan. Masigla sa pag-aaral ng wika, kanyang
pinag-aaralan ang halos lahat ng mga wika ng pangunahing lupain
ng Timog Silangang Asya, maging ang Sanskrit at Pali, ang mga
wikang klasikal ng India.
Nagsagawa siya ng maraming mga
paglalakbay sa mga banal na lugar namatatagpuan sa bansang Thai-
land.
Kasama ni Pallegoix, isang Katolikong paring Pranses, siya
ay nag-araal ng Latin, gayundin ng Ingles kasama naman ng mga
paring Amerikanong Protestante na sina Dr. Bradley at Jesse
Caswell. Samantala, ang siyensyang mula sa Kanluran ay tumugon
sa kanyang kawilihan, partikular dito ang astronomiya at astrolohiya.
Maraming mga aklat at pahayagan mula sa Kanluran ang kanyang
pinag-ukulan ng pansin upang matamo ang mga kaalaman ukol sa
ibang mga bansa at mga aklat ukol sa mga makabagong konsepto
sa siyensya.
Noong mga pagkakataong iyon ay handang-handa na
siya upang maluklok sa trono ng kaharian.
Higit na nakaimpluwensya kay Haring Mongkut ang kanyang
mga karanasan sa mga taga-Kanluran sa paglikha ng mga alituntunin
nang siya ay manungkulan bilang hari. Nahikayat siya ng mga ito